Letting Go With A Heavy Heart

I will write this post in Tagalog coz I wanted to express how I truly feel.

Hindi madaling maging OFW... ang senaryo sa Pilipinas lalo na sa Ninoy Aquino International Airport pagdating sa pagpapaalam ay puno ng drama, luha, lungkot at pag-asa. Masakit sa mga kapwa pinoy na paalis ng bansa ang iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay at mangibangbayan para kumita ng salapi na ipangtutustos sa mga naiwan sa Pilipinas. Si kuya, si ate, si nanay o si tatay na siyang may lakas at tibay ng dibdib ang nagdesisyon na tahakin ang masalimuot at walang katiyakang pamumuhay sa bansang hindi pa nila kilala ang siyang namamaalam at may pangakong magandang buhay para sa pamilya. Mga huling yakap at halik na muling mararamdaman sa susunod na pagkikita.

Hindi madaling maging OFW... ang akala ko nuon maayos na ang lahat hanggang dumating ang malaking pagsubok sa aming pamilya dala ng krisis sa ekonomiya ng bansang aming pinagtratrabahuhan. Maraming kwento na ang narinig ko tungkol sa mga kababayang nawalan ng trabaho ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay tinamaan din kmi ang matinding unos. Ang senaryo sa Dubai International Airport pagdating sa pagpapaalam sa pamilyang maiiwan sa banyagang bansang ito ay mas masaklap pa sa nasaksihan ko sa pamamaalam sa Pilipinas. Sa loob ng halos pitong taong pagsasama sa nakasanayang bansa ay dumating na kami sa panahon ng pagpapaalam. Parang pinipilas ang puso ko sa alaalang matagal na muling magkikita at kung papaano na kaya kmi ng wla sila at sila ng wla kmi. Yakap ng ama ang dalawang anak habang yakap ng tiyahin ang bunso, hinahaplos ng bunsong anak na lalaki ang ina na hindi mapigil ang pag-agos ng mga luha, habang ang isa pang ina ay nasa counter upang magcheck-in na siya ring lumuluha at halatang pinipigilan ang sakit na nararamdaman sa harap ng check-in personnel na hindi rin naman maiwasang mapaluha sa nasasaksihang pangyayari, maging ang mga kapwa pinoy na pauwi rin ng Pilipinas ay akala mong parte ng pamilyang maiiwan at kahit pa ang mga banyagang nakasasaksi nito'y 'di maiwasan mamula at mangilid ang luha. Sa kanilang isip, nauunawaan nila kung gaano kahirap ang paghihiwalay.

Hindi ako sumama sa loob ng check-in counter, hindi ko nasaksihan ang mga ito ngunit sa paglalarawan ng aking butihing asawa at sa sakit na nararamdaman ko ay mas matindi pa ang tumatakbong istorya sa aking isipan, masakit at malungkot ang pangyayari, maaari nang ipadala sa maalaala mo kaya :). Hindi ko kakayanin ang makita na ang anak at asawa ko ay parang mga batang napahiwalay sa kanyang ina, mas masakit ito para sa akin.
Sabi ko nuon, kahit hindi lumaki ang anak ko sa Pilipinas katulad ko, normal ang kanyang buhay dito sa Dubai sapagkat naririto naman ang aming pamilya, may lolang mauuwian at mga pinsang makakalaro kung walang pasok, may pamilyang makakausap kapag tinatamaan ng lungkot dahil malayo sa Pilipinas, ngunit ngayon paano na kaya. Dala ko sa aking isipan ang tanong na paano sila muling magsisimula duon at dito kmi.

Malapit na naman ang Kapaskuhan at sa loob ng anim na taon, sama-sama naming ipinagdiriwang ang okasyong ito ng may ngiti sa labi at ang Bagong Taon na may magandang pag-asa sa hinaharap ngunit paano kaya namin muling idaraos ang okasyong ito ngayong malayo na sila. Marahil ito ang unang pagkakataon na susubukan namin na mamuhay dito sa Dubai ng wala sila at harapin ang bukas ng may pag-asa.

Alam ko sa aking sarili na hindi ito ang katapusan kundi ang simula at ang mga pangyayari sa aming buhay ay plano ang panginoong Diyos, walang suliranin na hindi ko pa napagtagumpayanan, katulad ng mga kwento ng buhay ang aking mga kaibigan, isa ito sa mga nagpapaalala sa akin na palaging may araw pagkatapos ng ulan at sa dulo ng bahag-hari ay may nakahandang magandang surpresa.

Sa mga oras na ito ay malapit nang lumapag ang eroplano sa lupang kinagisnan. Nawa'y nakarating sila ng maluwalhati. Mabigat man sa aming kalooban ang bagay na ito at patuloy naming haharapin ang buhay.

3 comments:

  1. please see http://www.kunejo1.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. hi coffeeveggie addict: oo ganyan talaga ang ofw...thanks for passing by yellow bells

    ReplyDelete

We love to hear your thoughts. Any comments, suggestions, violent reactions are welcome. We will try to reply to you as soon as we can.

Xoxo
Carla