Wednesday, February 10, 2010

Napilitang Bayani Ba Ako?



Ang article ito ay sagot sa tanong ni Nebz sa kanyang entry na "Bayaning napilitan ka nga ba?"

Napaisip tuloy ako. What do you mean when you say napiliting bayani? Literally, napilitang bayani talaga ako?

When my sister gave me an ultimatum na pag hindi pa ako nag-ayos ng passport ko, she will not stash cash to bring me to Dubai. Eh buong family namin at that time nandito na. While I am enjoying my freedom in the Philippines hehehe :). Wala akong nagawa kundi sumunod. Of course I also wanted to live with my family and be with them. Medyo lugi nga lang ang kapatid ko kasi after landing a job here in Dubai, pagkatapos lng ng ilang buwan, nag-asawa na ako. It was difficult at the beginning but they've accepted it later on. Wala na naman kasi sila magagawa, nandiyan na yan.

Bayani? Up to now it is still vague to me what is the real meaning of bayani when you use it to define an OFW. Ang concept ko kasi ng bayani ay yung sinauna pa. Ung pang kina Dr. Jose Rizal pa at Andress Bonifacio.

Kidding aside, I have been in Dubai for over seven years now and hindi ko pa naranasang bumoto as OAV. Kapag kasi ibinalita sa Balitang Middle East, tapos na ang registration (sisihin ba ang media?). Sa totoo lang di naman talaga ako nage-effort na malaman kung kelan ang simula at hanggang kailan ang registration kaya hindi kami nakakapagpa-register ng asawa ko. Hindi ko rin alam baka mamaya may gumagamit ng pangalan ko sa Pilipinas para bumoto. I am not saying na proud ako (dahil I am not), na hindi ko ginagawa ang tungkulin ko bilang isang Pilipino. Ang gamitin ang aking karapatan upang magkaroon ng pagbabago ang aking inang bayan but "what to do yanih" tapos na po ang registration and there is no way to register. All I ca can do now is to serve as a watchdog, kung ano ang mangyayari sa May 2010 Elections.

Magsusuri pa rin ng mga kakandedato at aalamin kung sino ang karapat dapat. Eh sino nga ba sa tingin nyo ang karapat dapat? Sa hinaba-haba ng election history sa Pilipinas wala pa akong nakitang Presidente na nakapagpaangat ng ekonomiya ng bansa.

According to Wikipedia, since the end of World War II, the country's economy starts to deteriorate from one regime to another. However I have noticed that who ever supplied this information to Wiki about GMA is somewhat biased, as it is evidently showing growth during her administration while a slowdown during the past administrations. I am not an economist nor a financial analyst but by just looking at the numbers, I can easily understand that the Philippines, despite all efforts, is going down the drain, behind all other emerging South East Asian countries.

In case I was able to register and vote on May 2010 Elections, I still have to wait and see if something will change. Kung si Noynoy ba ang manalo, will he be able to raise the lifestyle of the poverty stricken Filipinos? Kung si Villar, will he be able to give decent homes to many? I don't know but as an OFW, I will do my share. I'll keep sending cash to the Philippines para makadagdag sa annual OFW remittances na malaking tulong para sa ating bansa.

Does that make me a Hero? I don't think so.

*art photo supplied by denissomoso-photobucket*