Thursday, September 20, 2012

Paki rap naman Gloc 9


YES ang sabi ko habang patawid ng kalsada
Galing sa restorang “Tagpuan” sa Sharjah
Tanong mo sa akin nagbibiro ka ba?
Sagot ko hinde, Oo nga mahal kita

Kita kong ngiti sa yong mga mata
Labi mo’y gumuhit hanggang tenga
Kulang na lang tumalon ka sa tuwa
Tanong mo talaga tayo na ba?

Hindi ka makapanilawa sa iyong narinig
Ako nama’y sigurado sa aking sinambit
I love you, I love you too bulong ng bibig
Sure akong ikaw ang tinitibok ng dibdib

Lumipas mga araw, lagi nang magkasama
Hinahatid sa subway papasok ng Sahara
Sinusundo’t hinahatid, hinatahid sinusundo
Kahit butas na ang bulsa

Dumaan mga buwan, nagbungang pagmamahalan
Sa di inaasahan ikinasal ng madalian
Lalo na’t sa Dubai bawal ang ganyang lambingan
Sumumpang habambuhay tayong magmamahalan

Ikaw ang aking buhay
Sa iyo ko lahat iaalay
Pangako hanggang kamatayan
Mamahalin kita ng tunay

Ilang taon na rin ang dumaan
Anibersyaryo nati’y ipagdiwang
Hipan ang kandila nakaguhit na syam
Habang umaasa ng walang hanggan
YESTUNAYN

1 comment:

  1. Woooow! ang sweet naman nito. Happy anniv sa inyo! Tama ba ako? haha!

    ReplyDelete

We love to hear your thoughts. Any comments, suggestions, violent reactions are welcome. We will try to reply to you as soon as we can.

Xoxo
Carla