Kaya nararapat lang na pag-ibayuhin nating maitayo ang karangalan ng mga Pinay dito sa UAE. Isa sa mga gumawa ng aksyon ngayon ay ang Illustrado. Nag-organisa sila ng kapanya na kung tawagin ay "Pinays Take Charge." Isa itong kampanya na pag-ibayuhin at pataasin ang pagtingin ng mga Pinay sa kanilang sarili at pagandahin ang anyo ng Pinay sa mga banyaga. Matulungan tayong makaiwas sa mga di kanais-nais na pangyayari kung saan sangkot tayong mga kababaihan.Naririto sa ibaba ang "Pinay Take Charge Pledge". Mga paalala ito sa mga Pinay kung gaano tayo kahalaga bilang isang babae sa ating lipunang ginagalawan.
Mga apat na libo na ang naki-isa sa kampanyang ito ng Illustrado, para sa mas mga mahahalagang impormasyon at kung nais ninyong maging bahagi maaari nyong bisitahin ang kanilang facebook page or di kaya ay ang kanilang pahina.
napakasakit mang isipin na tutoo ang post mo, hindi mo naman masasabing kapit sa patalim ang nangyayari dahil may trabaho naman ang karamihan.
ReplyDeleteMahirap na baguhin ang mentalidad ng ibang lahi sa mga pinay lalu na kung mayroon pa rin mga kababayan tayo na naliligaw ng landas.
gayon pa man kritikong kiko, gamot daw ang paalala sa taong nakalilimot and prevention is better than cure, and I salute those people who try to save not just themselves, ganoon ang nais ng kampanyang ito. ang naliligaw ng landas ay maaring turuan at akayin tamang daan
ReplyDeleteisang paalala sa ating mga kababayan..
ReplyDelete